wag **** ipilit at baka lumala baka mawala nanaman yan na parang bula ang kulay ng paningin niya sayo ay pula siguro masmakakabuting idaan mo na lang sa isang tula
patawad sa mapaglaro kong pagiisip hindi ko inakalang itoy iyong pagkakatitigan kabayaran para sa aking kasalanan ay di ko nasilip kalokohang taglay sadyang hindi ko mapigilan
pahupain ang alon, patayin ang apoy isabay mo sa hangin ng oras at panahon puro ka kasi kalokohan ayan tuloy! wala akong maisip na katunog ng panahon
itong tula na to ay para magsorry talaga sayo pero alam kong makukulitan ka lang makulit talaga ko, hindi lang talaga ko mapakali gusto ko kasi peace tayo palagi
sapakin mo na lang ako pag nakita mo ako wag lang yung ganito, silent treatment torture, gusto pa naman kitang palageng kausap kahit wala na sa rhyme tong tula na to