sa gitna ng aking bangungot ako ay biglang nagising sabay tapon sa aking kumot dahil ang teplepono ko ay nagriring
sinagot ang tawag sa ibang lingwahe sumagot pabalik ang tinig ng babae akoy nagulat at walang masabe nang marinig ang pangalan nabuo sa isip ang imahe
imaheng kamakailan ko lang huling nakita nung isang taon pa ako sa kanya huling nakabisita ang kinalalagyan niya ngayon ay "not too far" biglang pasok ang tanong na, "meron ba kayong C.R."?
tinanong ko kung bakit siya napatawag? ako daw ay kanyang namimiss pakipot na ako ay hindi na pumalag gusto kong sanang itanong kung pwede bang pakiss?
nawala ang antok at gising na gising kahit sa pagkakataong iyon siya ay lasing walang humpay at nagkwentuhang parang praning pero sayang naman itinapon niya yung sing-sing ^^
hindi maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman kagagaling lang sa sakit siguro ay alam mo naman?! mahal kita at takot akong tayo'y magkasakitan "i know Were cool" at sobrang close na magkaibigan
ayokong maging bitter ako sa tula kaya kalimutan mo ung pang anim na stanza sobrang mahal kita mula noong hanggang ngayon at kung ikaw ang bumabasa nito ALAM KONG ALAM MO YON!
sa puntong ito, lagi kang nagkakape sa isip ko nagpapaalala lang, baka abutin ka jan ng pasko? sobrang init ng kape at hindi mo matapos ng mabilis kanina ka pa jan wala ka bang balak umalis?
nilabas ko nang lahat ng nararamdaman ko dito sa tula hindi ko alam kung ikaw ay maiinis o matutuwa sa aspeto ng pagibig itanong mo kay Amora manghuhula at ako naman ay sa Magic 8 ball na hugis bola
naiinis ako ngayon sa sarili ko kung babasahin mo yung tula talagang nakakagago PERO parang gusto ko ulit pumasok sa puso mo dahil ako ang U.L.O.L mo! itaga mo yan sa bato!
sana gusto mo akong makita ulit kahit na ako'y madaldal at makulit sana magkatotoo ang "Muling Ibalik" sana matikman ko ulit ang matabang na halik . . .