gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na
kalungkutan ko'y nasasabik gustong magbago at umagos sa pisngi at hinding hindi maabutan ng bagsik ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi
tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan o hangin wag mo akong hipan baka di ko kayanin dala **** ginaw lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw
ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako?
sa isang buntong hininga madarama ang tinik sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik tinatanong ang sarili kung saan nagkasala maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala?
gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na