Isang gabi, sa paghiga Tumabi kay inang nahihimbing Di niya batid ang luhang Sa mga mata ko'y naglalambitin
Di ko alam kung paano Maitatago ang sakit Di ko alam kung ano Ngunit parang sa puso'y gumuguhit
Kinupkop ang sarili sa aking pagtabi Labi'y halukipkip tinakpab ang bibig Pilit pinatatahan ang aking sarili Ngunit luhay umaagos na para ngang tubig
Ang hikbi kong ako lang ang nakakarinig Ang wasak kong puso, ikaw ang may hatid Ang huwad na pag-ibig sa akin inilaan Sino pa ang susunod mo na sasaktan?
Maawa ka, sinta, maawa ka sa kanya Huwag mo siyang wasakin na katulad ko Maawa ka, mahal ko, wag mo na siyang saktan Dahil ang puso niya'y madudurog mo lang
Ina, patawad, hindi ko masabi Ang pait at hapdi nitong puso kong sawi Dahil sa estrangherong nagpanggap na anghel Matapos ko'y iba naman ang pusong kaniyang hinahati...