sa pagtanda ko, nais kong ikaw ang kasama sa pagtanda mo, nais na ika'y alagaan ko sa pagtanda ko, nais kang pagmasdan sa pagtanda mo, kamay ko'y iyong tangan
kung maari lamang bumalik, sa panahon na ika'y nilisan kung maari lang sumilip, sa panahong ika'y iniwan ngunit panahon ay lumipas na, na sadyang kay bilis at sa buhay ng isa't isa, tayo'y nga nakaalis
subukan ko kayang tumalikod mula sa hinaharap? subukan ko kayang mukha mo ay mahanap subukan ko kayang lumakad pabalik sa huling pagkakataon na siniil ng halik
palad mo ba'y bubuksan pa upang hawakan aking kamay? dibdib mo ba'y bakante at maaari pa bang sumanday? maaari pa kayang mangarap ng muli? Kahit nawala at lumisan ng sandali?