Naglalakad ng palayo ng kita'y nilingon Nais kang hilahin mula sa kahapon Sinabi sa sarili, tama na at tigilan na Ngunit paanong gagawin, mahal pa kita?
Anong gayuma ba ang ibinigay sa akin? Sa pagpikit man o paggising, ikaw ang nais mahalin. Bakit mo ako hinila at niyakap? Kung sa huli, ikaw mismo ang iilap?
Sa tuwing lalayo, tatakas, iiwas Nandiyan ka, pati ang pag-ibig kong awas-awas Gusto ko ng limutin at tapusin nalang lahat Ngunit ang nais matapos ay ang tangi kong hangad
Paano ko ba sasabihing paalam na? At sa aking paglayo. wag na akong tawagin pa... Hayaan mo na akong umusad, mag-isa At huwag **** iparamdam na ako'y mahal pa...
Ayoko na, tama na. Sobra na ang sakit Sa tuwing nakikita ka, puso ko'y hinihigit Oo, nangingiti, natutuwa, sumasaya Dahil ang totoo, mahal pa rin kita