Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

NASAAN KA NA NIKNOK

by @egmaranan

NASAAN KA NA NIKNOK? Mahal naming NIKNOK saan ka ba namin matatagpuan Hinanap ka na namin sa lahat ng sulok ng bahay Pati na rin sa loob at labas ng ating bakuran Saan ka nagpunta at iniwan ang  maayos mong tirahan Marahil ikaw ay sumalisi sa paglabas ng sasakyan Sapagkat sa ilalim ang paborito mong tambayan Di mo naman nakasanayang lumabas ng tahanan Paano na ngayon ano na ang iyong magiging buhay Sobra na kaming nag aalala sa yong kalagayan Paano ang iyong pagkain, inumin at tirahan Dito’y malinis ang pagkain malambot ang higaan Hinihintay ka rin ni BASHA na iyong kaharutan Aming NIKNOK sobra na rin ang aming pangungulila Oras oras ay pumapatak ang aming mga luha Ramdam na ramdam namin ang lungkot sa ‘yong pagkawala At nakalarawan sa isip ang maamo mong mukha Puspin ka man sa iba  at mga mata’y nang uusig Ngunit sa aming paningin puspin kang kaibig ibig Mga kalmot mo sa ‘king katawan heto’t nakaukit Ngunit kahit kelan ‘di ako nakaramdam ng galit Lagi kitang namimis sa oras ng pagpapakain Ang pagkatok sa bintana upang ika’y papasukin At pagtabi sa aking higaan at ika’y haplusin Umuwi ka na NIKNOK at lungkot namin ay pawiin Namimis ko rin ang iyong pag ingaw sa tuwing umaga Hudyat upang ako’y bumangon at pakainin ka na Ang balahibong kay ganda at katawan mong kay sigla Ang paglalaro nyo ng dalawang kuting at ni BASHA Wala na akong ganang umakyat upang tanim ay bisitahin Nasanay akong kasama ka sa aking munting harden Lumalago ng lahat ang hydrophonic lettuce natin Nasaan ka na NIKNOK malapit na nating anihin Ginawan ka namin ng karatula at dinikit kung saan saan Sana’y makatulong ang iba at lungkot nami’y maibsan Bumalik ka na sa bahay kalaro mo’y naghihintay Araw at gabi ano mang oras kami’y nag aabang Ang pag aalaga ng hayop ay hindi basta basta Lalo na kung sa loob ng bahay aso man o pusa May angkop na pagkain, tirahan at pangangalaga Kapamilya ang turing sa pagmamahal at pag aruga
Request permission to use this poem
e
Written by
egmaranan
62
For You?
e
Written by
egmaranan
62
Published
Dec 3, 2025
Time
3m
Tags
#mahalkongalaga#pagmamahalsahayop#tagalogtula#hellopoetrybuhaytula#tagalog#poems#hellopoetry
Permission

Request to use this poem

Tell egmaranan how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write