Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 16
akin ka na lang
hindi habangbuhay, hindi kailangan
isang sulyap lang sa mata **** tahimik,
isang gabi lang na ako lang ang alam

isang beses lang kita mahawakan
sa paraan na hindi mo kailangan ipaliwanag
kahit di mo ako mahal
kahit bukas, di mo na maalala

tapos pwede na akong masaktan
kahit masaktan
kahit masaktan

at least,
hindi ko na kailangang itanong
kung paano ka humawak ng kamay
kapag totoo

akin ka nalang.
isang beses lang kita mahawakanβ€”
tapos pwede na akong masaktan.
Written by
H Logos
Please log in to view and add comments on poems