Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
4d
Kung ikaw ay aking mahahalintulad
ikaw ay isang tag-sibol.
kay tagal hinihintay,
kay sarap mabuhay.

Kung maaari lamang,
dito ka na lang, habangbuhay
ang ganda **** taglay
mga namumukadkad na bulaklak
iba't ibang kulay

Ngunit kagaya ng tag-sibol
ikaw ay hindi magtatagal
darating ang susunod na panahon
paalam sa masasayang kahapon
Kassey
Written by
Kassey  F/Earth
(F/Earth)   
Please log in to view and add comments on poems