Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
2d
Tila nga bantulot at pipi na
ang gitarang noo’y kasama
sa ereheng tambol-banda
suot ang katsang sutana
inarimuhunang sako ng harina
meron pang kupyang bao - mapula.

Kinukulbit ng kiming baka-sakali
Di pa naputol ang kwerdas na bali
Nalaglag ang pik sa may pusali
Pinilit umimik ng lumang kudyapi
Paos man ang tinig, pahinga’y dagli
Ang mga ulat at tula’y di magagapi . . .
Para kay Leti Boniol.
Jun Lit
Written by
Jun Lit  M/Los Baños, Philippines
(M/Los Baños, Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems