Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 14
Nariyan ka pa ba?
Pagkat ang nais ko ay makasama ka
Tumingin sa aking mga mata
Ano ang iyong napupuna?

Asan ka ba?
Sa dating tagpuan ay
hindi ka na mahagilap
sinta.

Kumukupas na ang ating larawan
lumipas na ang mga araw
karapatdapat pa ba sa iyo?

Asan ka ba?
Bakit mo ako hinayaang mag-isa?
Kassey
Written by
Kassey  F/Earth
(F/Earth)   
  33
   Dency
Please log in to view and add comments on poems