Para sa babaeng umu-unawa Para sa babaeng nag pa-pasensya Para sa babaeng may sariling mga problema ngunit naga-gawa parin'g Intindihin ang iba.. Salamat at nakilala kita. Salamat at binigay ka nya.
Ikaw ang nag si-silbing Anghel na gumagabay sa naliligaw 'kong pagka-tao. Anghel na muling nag turo sa isang demonyo kung paano manalangin, mangarap at lumangoy... Lumangoy sa dagat ng apoy na likha nang mga maling desisyon. Mangarap na makaahon at mahanap ang landas patungo sa dina-dalangin'g panahon.
Ikaw nga'y Anghel.
Salamat sa iyong gabay. Mga payo at pag-alalay. Nawa'y isama mo ako sa iyong pag lipad. Gamitin mo ako bilang iyong pakpak. Makaganti ma'n lamang sa iyong pusong payak.
Ngayon, handa na akong iwan ang impyernong ito... Upang sumama sa Anghel, na nag katawang tao.