Isipin mo Sasagot ba ako ng “oo”? “Anong ibig sabihin n’un?” ‘Wag na lang kung ganun. Kung iisipin mo “tungkol ba kanino ang mga tulang ito?”, mag-iisip ka hanggang sa araw ng libing ko. Kaya’t wag mo nang isipin pa dahil hindi sasambitin kahit ako’y ibitay, kahit sunugin pa nila itong mga tula, silaban man nila pati ang dagat! Kaya’t wag nang kaliskisan pa dahil hindi isisiwalat at isasatinig dahil hindi magkakasya sa mga patinig lahat ng damdaming nilalaman ng dibdib!