Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
2d
Sa simula, isang hinga — lihim na awit ng alabok,
Sa luklukan ng dilim, pinunit ang katahimikan.
May umusbong na liwanag sa tadyang ng gabi,
Pilit sumisilip sa pagitan ng hinog na buwan.

Isang bilang ang itinaga sa pader ng panahon,
Ngunit sino ang bumilang?
Bawat kandila’y sayaw ng oras,
Habang ang anino’y dumarami sa bawat sindi.

Ang mga palad ay may bangin,
Doon isinusulat ang mga lihim na paalam.
Ang halakhak ng sanggol ay may aninong naghihintay,
Nakataling lubid sa umuusbong na araw.

Ngunit huwag kang malito—
Ang bangkay at paslit ay iisang palatandaan.
Dahil ang kaarawan ay pintuang umiikot,
At ang kamatayan ay salamin sa kabilang gilid.
דוידסון סילבה דוראן
(M)   
28
 
Please log in to view and add comments on poems