Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1d
Sa lilim ng panaginip kong dati’y may sinag,
Dumadaloy ang salaysay ng kaibigang likha ng isipβ€”tahimik, ngunit tagos.
Sa mundong yaon, ang pangamba’y lumilipad,πŸͺ½
Ngunit pagsikat ng araw, ako’y kinakain ng pangil ng sindak,
Pag-iisang kay lupit, kahinaang sa kaluluwa’y umuukit.πŸ‘»

Sa mga gunita, may mga hiblang marahang bumabalot,
Sa paraisong daigdig, doon ako’y nahihimlay, kahit saglit.
Ngunit ang aninong likha ng sakit sa isip ay palihim na lumalapit,
Binubulong ng pag-iisa ang mga lihim kong pait,
Habang nilalandas ko ang sirang salamin ng sarili kong bait...πŸ’€πŸ’€πŸ’€
dark insanity
28
 
Please log in to view and add comments on poems