Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1d
May lupa sa dulo ng alon at ulap,
Na tigang sa luha ng pawis at hirap.
Dati’y sagrado, minana ng lahi,
Ngayo’y may tarangkang may ngiting mapang-api.

Nilagdaan sa lamesang mabango’t marmol,
Ng mga pusong ang dugo’y may amoy dolyar at alkohol.
Sa palad ng banyaga’y lupang kay kayumanggi,
Isinugal ng gobyernong walang pakialam kundi salapi.

Kapalit ng kasunduan ay selyong bulok,
At ngiting plastik sa mukhang plastik din ang usok.
Ang tigang na lupa, imbes diligan ng pag-asa,
Ay binili’t sinamsam ng banyagang walang alaala.

Tahimik ang bayan, ngunit hindi bulag,
Alam na ang yaman ay kinurakot, walang laglag.
Ang punong may bunga’y pinutol sa lihim,
Para may masandalan ang politiko sa dilim.

At kung itanong mo, “Saan napunta ang lupang minamahal?”
Nasa mapa pa rin—pero sa pangalan, banyaga ang may dangal.
Tayo'y naiwan sa gilid, may plaka sa dibdib:
"Pagmamay-ari ng dayuhan. Pinagpalit sa limos, sa ilalim ng bibig."
may lupang tigang pinagbibili sa mga dayuhan
דוידסון סילבה דוראן
(M)   
27
 
Please log in to view and add comments on poems