Sa ugat ng gabi, may pusong biniyak, Tibok na sinakal ng pulbos na itim. Laway ay nanuyo, katawa’y binagsak, Ng demonyong laman ng isang karayom.
Sa sahig ng impyerno, may ngising basag, Kandila ng buhay. pinatay sa usap. Kaluluwa’y kinain ng asong mabangis, Sa bawat hithit, may butil na labis.
May luha sa dila, may dugo sa tawa, Tiyan ay nilamnan ng alab at sanga. Di mo na alam kung tao ka pa, O bangkay na buhay, alipin ng gaba.
Gumulong sa kanal, humalik sa kalye, Kapit sa langit pero paa sa libing. Bawat paghinga’y may lasa ng yelo, Hanggang sa ang puso’y mapugto sa singhot...