PAANO ba gumawa ng magandang TULA TULA na may tamang sukat at TUGMA TUGMAng pantig mabulaklak na SALITA SALITAng dapat umayon sa SIMULA
SIMULA ng tula dapat may tamang BAYBAY BAYBAY ng panitik dapat saktong BILANG BILANG ng patinig minsan pa ay KULANG KULANG sa diwa tula pa’y walang BUHAY
BUHAY na dapat laman ng iyong KWENTO KWENTOng aakit sa bumabasang TAO TAO na minsa’y paghuhugutan ng LAKAS LAKAS upang sa tula’y MAIBULALAS
MAIBULALAS katagang HAHANAPIN HAHANAPIN sa balong ubod ng LALIM LALIM ng salita’y dapat PAKASURIIN PAKASURIIN salitang BIBIGKASIN
BIBIGKASIN mga kataga ay SAPAT SAPAT na mauunawaan ng LAHAT LAHAT na babaybaying pantig may SUKAT SUKATan ang lalim ng ilog at DAGAT