ako'y bunga ng magkasintahang puno ng pagmamahalan at nag pasyang ipasok sa mundong ating ginagalawan siyam na buwan, dala sa tyan nahihirapan at tila puputok na ang panubigan
halos iyong tiniis upang mailabas lang ako salamat at nandito nako sa bagong mundo sana huwag ng tumigil ang oras ginto
bawat iyak ng sanggol ay syang hindi matumbasang tuwa ng ina. sapagkat may isang anghel ang bumaba at ibinigay sakanya ng diyos ama
lumipas ang ilang taon dose anyos palang ako non kinailangan **** makipagsapalaran sa ibang bansa na kung saan hindi mo naman sinilangan
para sa aming pangangailangan hindi kana nag alinlangan kahit na mabigat ang pasan oportunidad nandyan hindi mo na natanggihan
aming naiintindihan sapagkat kami'y may isip at malaki na lungkot na aking naramdaman nung ika'y papaalis na at kitang kita ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata
sa pag tapak sa bansang iyong tinahak salubong sayo ay malamig na hangin masakit sa damdamin pero ginawa mo ito para samin palagi ka namin isasama sa aming panalangin salamat sa mga padala upang may ihain na pagkain
hirap at lungkot iyong dinaranas sa gabi ay lumuluha, kumot ang nagsilbing pamunas halos ulam mo nalang ay tuyo't sardinas para may mapadala sa pamilya **** nasa pilipinas
kahit magkasakit sa amo tahanan hindi ka sumuko at tinuloy mo parin ang laban pagod at hirap merong hangganan lahat ng ito ay malalampasan sa pamamagitan ng iyong sandata sandata na tinatawag **** "pamilya".