enerhiyang muntik nang maubos dahil sa pagkakagapos sa sarili kong isipan nawalan ng interes sa mga bagay na dati saakin' ay nagbibigay kasiyahan wala na ring maramdaman, kung sakaling mayroong lumisan rekta konekta sa kalikasan at magbabakasakaling mabigat na pasan ay gumaan'
sanayan nalang talaga lumangoy sa sariling mga luha hindi na para ibahagi pa, ayokong makaabala huwag mag-alala na baka lumala, kaya to' ng saglit na pahinga at sa muling pagkikita, nais ko ang yakap na mahigpit bilang pampagana
nahirapan akong tuklasin sa kung saan nga ba ako magaling sinubukan ang lahat ng hindi ko pa kayang gawin at napansing dito nga pala lumalabas ang angking galing ekspresyon na nanggagaling mula sa isip maging sa salita mga damdaming ipinapahayag sa pamamagitan ng mga likhang tula
hanggang ngayon pinapalawak pa rin ang aking kakayahan sumusubok sa mga bagay na hindi sigurado kung may patutunguhan subalit wala naman masama kung iyong susubukan sabi nga ng karamihan kung hindi ngayon, ay kailan?
buti nalang hindi naligaw sa pag-aakalang wala nang araw na matatanaw unti-unti lang pala nawala para handa sa panibagong araw na nakakasilaw lahat ay nagsisimula sa pagiging hilaw huwag ka lang bumitaw ayos lang kung hindi mo pa saklaw balang araw makikita mo ang sarili **** bersyon na 'ikaw'.