ano nga ba ang iyong dulot sa buhay kong unti-unting nalulukot tunay bang naiibsan mo ang lungkot at sa tuwing binabalot ng takot?
nais kong malaman ang rason kung bakit ka binabalik-balikan sa tuyo't na mga labi parati kang nariyan saad ko'y anong lasa nyan? tugon mo ay wag mo nang subukan' kapalit nito ay kinabukasan na hindi mo batid kung muli mo pang masisilayan
tila dito ako dinala ng pagiging ma-usisa karamihan pala ay dito nakakapag-isip ng malaya kung paano mare-resulba ang mga pangyayaring di kaaya-aya gayunpaman handa sa bawat gera at paulit-ulit na hinaharap ang panibago na umaga
simula noon' ay nagsilbi kanang sandalan sa laban na dumaraan alam **** iisipin ng iba para lang ang kaastigan mo'y maragdagan ano pa nga bang aasahan sa mundong madali kang mahusgahan kahit di nila alam ang lubos na kadahilanan pustahan pa tayong magpupustahan pa yan, kung bakit ka nagkaganyan
ngunit hindi na para isipin ang iisipin ng iba marahil dyan ka dinala ng iyong mga dinadala mabigat ba? ika'y magpahinga ilagay sa pagitan ng labi ang mabisang pangkontra at gawin **** upos ang di maubos na problema