Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2024
Hayan na, heto na! bagyo'y paparating na,
Pero teka, ikaw pala ito na sobrang galit na;
Galit na galit na tulad ng bagyong nagngangalit,
Dalang ulan ay grabe kung sumagitsit.

Dagundong ng iyong kulog ay tunay na nakakasindak,
Malakulog na boses mo'y parang saksak ng tabak;
Bawat salita sa 'yong bibig ay nakakarindi,
Masakit sa tainga at sobrang nakakabingi.

Mga salita mo'y tulad ng ulang nagbabagsakan,
Sinisigaw mo sa'kin ang mapait na salita ng mukhaan;
Basang-basa na 'ko ng ulang dala mo;
Kung kaya't panay sakit ang idinulot nito.

Kumalma ka bagyo, kumalma ka na tulad ng sapa,
Upang ang ating mundo ay tiyak na papayapa;
Paano nga titigil ang bagyong gaya mo?
Kung wala ako na magpapakalma sayo.
John Rex Danzalan
Written by
John Rex Danzalan  27/M
(27/M)   
149
 
Please log in to view and add comments on poems