Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2024
O' aking Imelda na aking sinisinta,
Saya ang nadarama 'pag ika'y kasama;
Kasama sa bawat lungkot at tawanan,
Purong ligaya na 'sing tamis ng pukyutan.

Sa 'yong ngiti'y batid ang ganda,
Bawat tingin ay nakakamangha;
Mata mo'y kumikinang, na katulad ng tala,
Sa bawat sulyap, ika'y nais ma-alintala

O' anong ganda ang isang tulad mo,
Walang makakatalo sa gandang taglay mo;
Mayuming dalaga, sino ako para mahalin mo?
Isang simpleng lalaki, na tatayo sa harap mo.

Si Jehova ang nagbigay ng isang taong tulad mo,
Isang babae na magmamahal sa isang lalaking gaya ko;
Ako ay sayo at ikaw ay akin,
Walang makakapigil sa'kin para ika'y mahalin.

Dumating man sa'ting buhay ang problema,
Haharapin naman natin ito nang magkasama;
Tulad unos man ang mapaharap sa atin,
'Wag mag-alala, si Jehova ang tutulong sa atin.
John Rex Danzalan
Written by
John Rex Danzalan  27/M
(27/M)   
102
 
Please log in to view and add comments on poems