Madalas sinasabi ng nanay ko sa'kin, "Masanay ka na lang kasi, ganoon naman talaga eh."
Pero palagi kong iniisip, na kailangan ba talaga natin sanayin ang sarili natin sa mga bagay na hindi naman dapat natin nararanasan?
Hindi ba pwedeng tayo na mismo ang gumawa ng paraan para makalaya mula sa mga salitang paunti-unti tayong sinasakal o pinapatay sa sakit. Kasi hindi naman dapat palaging ganito, hindi ba?
Kasi minsan kahit sanayin natin ang sarili natin, may mga pagkakataon na hinihiniling natin na sana — sana kinabukasan magbago na ang lahat at hindi ko na muling maranasan ang umiyak.