Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2023
Gawin mo'kong pang-apat sa 'yong mga prayoridad; sarili, pamilya at pangarap.

Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-agawan ng puwesto sa mga bagay na nararapat **** unahin, bagkus ay susuportahan kita at kung dumating man yung araw na kailangan mo munang lumayo upang abutin ang iyong mga pangarapβ€”ihahatid kita.

Hihintayin kita.

Naniniwala akong may tamang oras na nakalaan para sa'tin ang mundo kung kaya't hindi na muna ipipilit ang mga bagay na hindi pa napapanahon.

Darating din tayo dun.

Kapag tama na ang panahon.
Kapag sumang-ayon na ang pagkakataon.
Kurtlopez
Written by
Kurtlopez  30/M/Rosario Cavite
(30/M/Rosario Cavite)   
144
 
Please log in to view and add comments on poems