Bibilang ng lima upang sarili'y mapakalma sabay bugtong-hininga mga luha'y nagsitulo na pala dahil hindi na kinaya ang sakit na dala,
akala nila wala akong problema akala ng iba ako ay masaya akala nila wala akong iniinda nasanay kasi silang lagi kang nakatawa nasanay kasi silang lagi kang masaya nasanay kasi sila na ganyan ka,
napakahirap na sitwasyon hindi nila alam na saking pag ngiti sa loob nito'y pighati iniisip ng iba na nagbibiro lang ako iniisip nila na hindi ito totoo pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito,
dinadaan ko nalang sa pagpapatawa upang ang iba'y mapasaya ngunit sakabilang banda ay may salitang nag nanais na "ako naman sana."
nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko sakabila ng aking pagtawa ay may lungkot na dinarama,
ginawa ko naman ang lahat, ngunit bakit hindi parin sapat hindi ba nila nakikita o ayaw lang talaga nila bigyang halaga,
siguro nga talagang walang nagmamahal sakin dahil walang umiintindi sa aking pag inda lunod na lunod na ako sa kalungkutan labis-labis na akong nahihirapan,
puso ko'y hirap na Ayoko ng magpanggap pa magpanggap na masaya ako sa harap ng iba dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya,
ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan biktima ng kahibangan biktima ng kapighatian biktima ng pusong mapanlinlang at biktima ng isip na nais ng lumisan,
hindi ko na kilala kung sino ako, hindi ko na kilala ang sarili ko kailan ba ako makakatakas dito sa higpit ng kadilimang bumabalot sa isip ko
alam kong hindi ko na kaya pero kakayanin ko pa kakayanin kong muling makatayo sa sarili kong mga paa upang masolusyonan ang aking problema
kakayanin kong lumaban dahil ayaw kong maging talunan at hinding hindi ako magiging talunan kakayanin kong labanan ang lungkot upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot,
alam kong may kwenta akong tao dito sa mundo. alam kong may nagmamahal pa sa akin ng totoo alam kong ang Diyos ay lagi kong kasama sa lahat ng dako alam kong Sya ay laging nasa tabi ko alam kong yayakapin nya ako sa bawat pighating ito!
hindi ako magpapalamon sa aking depresyon lalaban ako kahit problema'y kasing lakas ng alon lilipas din ang hapti ng kahapon hindi man ngayon ngunit darating ang bukas at itong kalungkuta'y magwawakas.