Mga boses sa kaniyang isipan Kailan kaya mauubusan? ng lakas loob upang manira hindi lamang ng sarili pati iba pilit na pagpapakinis upang tuluyang matanggap ng iba kailanma'y di ka naging normal produkto nang di kanais nais na mga ganap
kailan kaya naisipang sumuko? at ngayo'y di na tumigil sa paghinto at pagpatay ng bawat kasiyahang natitira sa iyong puso ang wirdo mo
bakit di ka maging kagaya nila? bakit di mo baguhin kung sino ka? patayin ang sariling pagkatao para matanggap ng iba walang pinagkaiba nagiging kagaya ka na nila
ngayon, alam mo pa ba kung sino ka? sa dinarami rami ng kasinungalingang iniluwa mga pader na itinayo't ngayo'y pilit tinatago natatakot na baka sakaling di na sila matuwa na tumigil ang atensyong pinaghirapang makuha matapos ay sasabihin nilang "nag-iba ka na"
Filipino People pleaser lost nawawala people-pleasing bad habits