Naranasan ko ang manlimos ng pagmamahal, ang makontento sa panandalian, at matuwa sa paminsang ako ang hinahanap. Nakauubos.
Kaya nang makilala kita, abot langit ang pasasalamat ko, dahil kahit papaano ay iba ka sakanyaβ lamang nang kaunti kumbaga. Kaya ganoon na lang din ang takot kong mawala ka pa.
Alam ko naman sa sarili kong kulang, pero maghahanap pa ba ako? Paano kung ito lang talaga 'yon? Kaya kahit hindi puno, niyakap ko ng buong puso. Hanggang hindi ko namalayan, inuulit ko lang pala kung paano ako gumuho.
Akala ko iba ka. Akala ko, sa'yo ko mahahanap ang pahinga. Pero hindi. Nakatatawang isipin na lalo akong nawala nang matagpuan kita.
Kung kailan handa Ka na mag mahal ulit saka naman nawala ..at kung kailan nagugustuhan mo na sya saka naman bumalik na ung totoo nag mamahal sa kanya.....nasaktan na naman ako naulit naman.. na buong akala ko sya na akala ko may pag asa ..na akala ko totoo na...pero hindi pla ....