Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2021
Alam ko naman na ang mga bagay na sobrang nagpapasaya sa atin ay hindi itinadhanang magtagal ng higit pa sa ating gusto.

Alam ko na kahit anong landas man ang ating piliin darating at darating pa rin tayo sa dulo.

Nang mapagtanto ko 'to nagkaroon ako ng kalayaang hindi ko inasahan. Ang magmahal ng walang kasamang pangamba.

Kaya't kung dumating man tayo sa dulo, sinta,
handa na ako.
Dahil dito sa ating storya,
sa umpisa pa lang ay inibig na kita.
Miru Mcfritz
Written by
Miru Mcfritz  28/M/metro manila
(28/M/metro manila)   
  517
   MS Anjaan
Please log in to view and add comments on poems