Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2021
Lumipas na naman ang isang araw na wala ka
Mga araw na sana kausap kita
Kahit anong libang ko
Kahit anong gawin ko
Ikaw pa rin ang nasa isipan

Ang isipan ko'y madilim
Puno ng mga tinik
Ngunit ika'y dumating at umusbong
Ika'y dumating bilang rosas sa paligid ng tinik
Ika'y dumating bilang buwan na nagbibigay ng liwanag sa aking paligid

Ang iyong presensya ang nagbigay sakin ng liwanag
Ikaw ang nagbigay sakin ng sariwang simoy ng hangin sa isipan kong puno ng basura
Makita lang kita muli at makausap
Sana'y pagbigyan pa
Tanging hiling ko lamang
Ay ang makasama ka't mahalin pa
Written by
chik  27/M/Manila
(27/M/Manila)   
156
 
Please log in to view and add comments on poems