Siya'y aking Ina na kung tawagin ng iba'y 'Ilaw ng tahanan'. Dugo't pawis ang kanyang natamo upang kami'y maitayo. Sa hirap nang buhay siya'y aking tinitingala dahil siya'y dakila. Anumang unos ang dumating siya'y handang sumalungat. Upang kami'y maprotektahan at pagka-ingatan.
Aking Ina, paano kami kung wala ka. Paano ang aming kinabukasan kung ika'y wala sa aming tabi. Sino ang aahon at tutulong sa pagsubok na aming haharapin. Sino ang sisindi ng ilaw kapag kami'y pumanig sa karimlan. Sino ang gagabay at patuloy na gumagabay sa pamilyang binuo ng isang matapang na mandirigma.
Paano kami kung wala ka, aming Ina! Ika'y Ilaw sa loob ng aming tahanan. Ang siyang aming sandigan sa bawat suliranin na aming pinagdadaanan. Mahal naming Ina, salamat! Salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinuhos mo bawat isa sa amin. Ang tanging hiling ko lamang sa Dios ay kung sana'y ika'y pagpalain.