Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2021
Sa isang app ng social media
Pinagtagpo ang mundo nating dalawa
Marahil nga ay tadhana
Dahil sa dinami rami ng pwedeng makilala
Ay ikaw pa,
Ikaw pa ang dumating at tumugon sa hiniling ko sa mga tala
Hindi ko inakala dahil para bang walang pag asa
Na mabuhay ang isang relasyon na tanging fb lng ang nagkokonekta
Hindi ko inakala
Pero ngayon alam kona
Alam kona na mahal kita
Alam kona na ikaw ang gusto kong makasama
Alam kona na ikaw ang gusto kong ka kwentuhan gabi gabi at kainuman ng kape sa umaga
Alam kona na di man kita mahagkan
Ikaw parin ang aking hinahangaan
Alam kona na di man kita masisisalayan
Darating pa din ang tamang panahon na tayoy magkikita sa itinakdang tagpuan
Kaya Mahal, Tiwala lang.
Para sa mga nagmamahalan
na hindi distansya ang basihan
Written by
Jhunry Cabanilla Nacorda  19/M/Kidapawan City
(19/M/Kidapawan City)   
  1.4k
 
Please log in to view and add comments on poems