alam mo bang hindi ko inasahan ang naibigay **** saya? hindi ko natanaw noong umpisa na tayo ay magiging panandalian lamang pala. tulad noong araw na tayo'y nagkakilala, ang pagwawakas natin ay naging kasing bilis rin lamang ng isang kisapmata.
napakasariwa pa ng mga alaala nating dalawa. sabay pa tayong nanonood kay haring araw kapag siya'y bababa. sa umaga'y yakap mo pa ako sa ating pagising at kamay ko pa ang iyong hawak sa tuwing ika'y nananalangin.
ngunit lahat ng pagsasamang ito ay nahinto, dulot ng isang tuldok. ang natatanging bantas na nagsasaad ng pagtatapos. Oo, masakit na di na kailanman malalagyan pa ng dalawang tuldok. . . na magpapahiwatig na ang ating kwento ay mayroon pang karugtong.
ang mga oras at panahon ay tila naging saglit, ang kwento natin ay puno lamang ng kuwit na nagsasabing "di pa tapos, sandali lang, maaabot natin ang tuktok" pero si Bathala na nag nagdesiyon na lagyan ito ng tuldok
marahil nga hanggang doon na lang ang istorya nating dalawa, alam ko rin naman na hindi napipilit si tadhana. inihipan na rin nina amihan at habagat ang ating mitsa --at ang bisa ng pana ni kupido ay tuluyan nang nawala.
kaya pasensya ka na mahal kung hindi maganda ang kwentong naibahagi ko. 'di bale, ito na lang rin naman ang huli kong mensahe para sayo. hayaan **** ako rin ay maglagay na ng tuldok sa dulo at sabihin sayong maaari ka na rin magsimula ng panibago **** kwento.