Katawang sa gapos ay nais kumawala, Sa kasing talas ng patalim na mga salita, Mga matang nagmumugto sa hapdi na nadarama, Iyak na hindi maisigaw sapagkat takot ang nauuna.
Nais sumigaw, nais lumaban, Nais ilahad ang sakit na nararamdaman, Ngunit sariling laman at dugo ang kalaban, Kaya bang mag wagi kung ganito ang kinalalagyan?
Gustong sumigaw, gustong kumawala, Gustong umiyak, gustong magpakaawa, Gustong sumabog,Β Β gustong magmura, Gustong ilahad ang sakit na nadarama.
Balang araw sana'y makalaya, Araw ng paglisan aking nais matamasa.
Hindi natin minsan napapansin, kung tayo na nga ba ang may probelma?