Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2020
Siya ay bigo.

Nagsagawa ng naglalakihang mga proyekto, ipinaskil ang kanyang ngalan sa likod ng gusaling lilingunan mo habang sakay ang treng siya rin ang may gawa. Isinaklob ang mga ito sa ating mga mata upang 'di mo makita ang pagsilip ng mga bangkay sa mga gusaling gumuho bago pa man ito mabuo, upang 'di mo hanapin ang mga lihim na nadakip pagkagat ng dilim, upang 'di mo matukoy na dugo ang tintang nakakabit sa watawat na mismong simbolo ng 'yong paglaya.
patricia
Written by
patricia  20/F/Philippines
(20/F/Philippines)   
322
 
Please log in to view and add comments on poems