Ang Kalayaan na ipinagkait sa akin ng tadhana Ang Kalayaan kong gumala ay tila naglaho ng parang bula Ang Kalayaan na singlayo ng mga tala na kailanman ‘di ko maabot Nang dahil sa isang pagkakamali na minsan kong nagawa Hindi ako tinigilang parusahan ng dahil sa isang pagkakamali na ‘di ko sinasadya Kaso ang isang pagkakamaling iyon ay nauwi sa paulit-ulit na pagkakamaling namimihasa Ngunit dalawampung taon akong nabuhay at nanirahan dito sa mundo na walang natatanggap na tiwala sa aking mga magulang ‘pagkat ilang beses nang nagbabakasakali na ang aking katanungan ay mahanapan ng sagot O kalungkutan! Ako ay iyong lubayan na! dahil ang mga ulap ay nagsisimula nang umiyak at pumatak ang mga luha nito. At dahil sa ako raw ay isang walang kwentang nilalang na nila-lang lamang nila Ilang taon kong hawak ang katotohanan Ang katotohanan na alam kong balang araw ay tatawagin akong salot sa lipunan At milyon-milyong mga mata, tenga at bibig ang mga nakakarinig at nanghuhusga sa akin na parang alam ang tunay kong kwento na binabalot ng misteryo sa aking buong pagkatao Tila ako ay aalis at babalik sa paaralan upang pumunta at umalis sa klinika ng aking espesyalista Limang taon kong hinintay bago natupad ng Panginoon ang aking dalangin Ngunit kahit nakakulong ka na, ‘di ko pa rin magawang maging masaya dahil pagkakamali nating pareho ito ngunit ikaw lang ang kanilang pinarusahan Ikaw ang nagsilbing katahimikan sa maingay at magulo kong mundo Pero nang ikaw ay aking nasilayan nang harap-harapan ulit sa presinto ay tila umulan ng apoy sa buong kapaligiran nang dahil ako ay nagtanim ng poot at galit sa iyo At sa aking pagtulog ay rinig na rinig ko ang tiktak ng aming relo Ni minsan nagawa akong paglaruan ng aking panaginip at kasama raw kita Kung minsan man ako ay natulala sa lalim ng aking iniisip nang dahil sa ating nakaraan Nang dahil sa marami ang tumatakbo sa aking isipan Pero ako ay naniningalang-pugad at nakaupo sa aking kama Dahil Buhay ay parang gulong, minsan ikaw ay nasa itaas, minsan ikaw ay nasa ibaba.