Nariyan ka nanaman Parang kabuteng sumusulpot sa kawalan Pakiwari'y sa tagal ay lumisan Ngunit heto't muli nagpaparamdam
Mainit kung aking natatandaan Ang pagsuyo sa aking isipan Ano't tila naglaho sa kawalan Ang anino mo sa aking kamalayan
Tugon niya sa akin kamakailan Na waring mauulit ko nanaman Sapagkat tila ba ay nakagawian Ang lumisan ng hindi nagpaparamdam
Babalik naman ako sunod taon makalawa At pangako, ako'y hindi nag-iiba Masanay na lamang sa aking ginagawa Sapagkat natural na yata sakin ang mangaluluwa