Nagsimulang pumatak ang ulan Mula sa maitim na ulap at kalangitan Binuksan ko ang aking payong Upang mula sa ulan ay sumilong Aking kapote ay isinuot Upang damit ko'y manatiling tuyot Naglakad lamang ako ng patuloy Sa kabila ng buhos ng ulan na tuloy tuloy Ang buong akala ko ay hindi ako mababasa Dahil sa kapote at payong na aking inihanda Ngunit 'di ko napansin na ako'y naglalakad na, Naglalakad sa gitna ng baha Tulad ng pagibig ko sa iyo na pilit kong itinanggi, iniwasan Na buong akala ko'y di na ako maaapektuhan Pero sa huli ako pa rin ay lumusong, nilamon, Sa huli ay hindi na ako makaahon. Kailan ba itong baha huhupa? Kailan ba itong ulan titila?