Kung titingnan tayo sa malayo ay tila dalawang estranghero. Magkalapit na nakatayo, ngunit kalooban ay magkalayo.
Sa bawat buntong hiningang pinapakawalan, ay ang patagong pagpahid ng luhang pinipilit wag masdan. Sa bawat patak ng ulan sa iyong mykha, ay ilang beses kong pagpigil ng sariling luha.
Gustohin ko mang ikaw ay pigilan, wala akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan. Kung kagustohan ko lang din naman ang masusunod, Maari ba?
MaariΒ Β bang sabihin, mga salitang pilit pinipigil bigkasin? Maari bang kahit ngayon lang, ay mawala saglit ang pagkailang?