Isang katangian na ipinamukha sa akin ng kalungkutan --- Madaya siya.
Madaya ang kalungkutan Kaya ka niyang linlangin
Minsa’y kawangis niya ang tahimik na kalsada. Bibigyan ka niya ng pagkakataon upang mag-isip. Hahayaan niyang makinig sa’yo ang buwan Subalit hindi ka nito kakausapin; sa halip, mas papangibabawin niya ang iyong pagkalito. Pipigilan niya ang pagkahol ng mga aso; pahihintuin niya ang huni ng mga ibon. Maging ang hangin ay pahihinain nito. Ititikom ng mga nakatambay na pagtatanong ang mga bibig nila. Ngunit, ang akala **** tahimik; Malungkot na pala.
Kaya ka niyang linlangin
Minsa’y kamukha niya ang payapang tahanan. Na kahit ang bangaya’y mahihiya. Walang mintis ang mga yakap, ang mga tawanan Buo sa numero Hanggang sa dulo’t magmula sa umpisa Walang bahid ng pagkakawatak-watak subalit, dama mo pa rin ang pag-iisa. Dahil ang akala **** mapayapa; Malungkot na pala.
Kaya ka niyang linlangin
Minsa’y kahawig niya ang mahinahon na ilog. Na tanging lamig lamang ng tubig ang kaya **** kilalanin Bilang sa iyong mga daliri ang mga batong natatangay nito. Kaya niya itong gawing panatag Subalit, hindi ang damdamin mo. Matutuwa pa siya Sa panghihinayang **** makasaksi ng mabilis na pag-agos at pagbabadya. Ang akala **** mahinahon; Malungkot na pala.
Oo. Mapagbalatkyo ang kalungkutan Kaya niyang maghain ng maraming pagkakakilanlan. Bahagi ng kanyang iskema ang pagkalito na siyang sa’yo’y mananahan;
mahirap siyang maging kalaban. Mahirap siyang maging kalaban.
Kaya't siya'y gayahin mo. Linlangin mo rin siya ng kakayahan **** magwangis Ipakita mo na ikaw ang ingay sa tahimik niyang kalsada; Na ikaw ang bangayan sa payapa niyang tahanan; Na ikaw ang rumaragasang tubig sa mahinahon niyang ilog. Bigyan mo rin siya ng maraming mukha na may iisang ulo ng katatagan at paglaban.
Pero huwag sa sarili mo Maging tapat ka rito magiging armas mo ang pagbabalatkayo laban sa lungkot; pero huwag sa sarili mo.