Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

PaHINGAhan

by psalmiseta

040120 Hinga, buga Hinga, buga Ganyan nga Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo, Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo, Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo, Mga pangakong ilaw mo sa dilim Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap Na sinusundan mo ng tingin. Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot mong taglay Ay napapawi nito ang sakit Ang hikbi ng puso mong walang ginawa kundi umiyak Ang bilis ng tibok na puso Mong paulit ulit na kinakabahan — Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman. At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta Hindi Basta-bastang buhay lamang At nagtatago sa dilim. Hindi ko hinayang madala ka ng dilim Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig. Huminga ka na may gayak, Huminga ka nang May pag-asa. Hinga, buga Hinga, buga Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo Ibuga mo ang iyong mga kamalian Ibuga mo ang iyong mga kasalanan — Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo Pabalik sa kadiliman Mga kasalanang minsan mo nang iniwan Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan, Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,” Ngunit nariyan ka pa rin, Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik Tama na, tama na Anak. Hinga, buga Hinga buga, Naghihingalo ka na At paulit-ulit mong nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na Naghihikahos ka na — Ngunit wag mong isiping napapagod ako Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan Ay napapagod na rin akong gamutin ka. Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka, Na sa tuwing sinasabi ko sayong Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi mong, “Ama, narito na ako.” Hinga, buga, Hinga, buga Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili Ngunit buo ang aking pagpatawad At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan Naririnig ko na Ang mga padyak mong sabik sa aking paglambing Ang mga pandinig mong naghihintay sa aking mga Salita Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam mong Sanang alam mong Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo, Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang. Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na Nakauwi ka na sayong tahanan. Hinga, buga, Hinga, buga Tayo na anak, Sa akin ka na mamahinga.
Request permission to use this poem
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
For You?
Written by
psalmiseta
25 / F / Dubai
Published
Apr 11, 2020
Time
4m
Permission

Request to use this poem

Tell psalmiseta how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write