Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Diwata

by @jon-jubail-b-aquino

Sa simula't sapol, sa kuwento lamang ng matatanda, sa pelikula at mga takilya doon lamang ako nag-papaniwala. Talastas ng isipan, hindi ito makatotohanan. Ngunit sa likod ng aking isipan, naroon ang munting katanungan. Totoo nga ba o sadyang kathang isip lamang? Hindi nag-papaniwala, hanggang sa hindi ito nakikita. Pagkaka-tanda ko'y minsan akong humiling at matulin naman itong dumating. Hindi makapaniwala, halos nanlaki aking mga mata, isang diwata tugon na mula puso, di mawari, napalukso ito sa tuwa. Tila inagaw mong lahat ng liwanag at sa likuran mo'y napakalibot. Dumarating ka mula sa mga ulap at pagdaka'y isang binibini, tumambad at sa akin ay pumukaw. Tunay at totoo pala ang Diwata, at yun nga ay ikaw! Diwata ka sa aking paningin, ano pa ba ang aking hiling? Minsan ako nangarap at nanalangin, sana may enkantadang handang magpa-angkin. Nakakatunaw ka sa mata, pagkat walang kasing tulad ng iyong Ganda. Di masambitla, mga salita ko'y ayaw ngang lumabas sa kanilang mga lungga, kaya narito na muna ang aking tula. Ano pa't pupurihin na lamang muna kitang pansamantala, ililihim na muna ang mga kataga at sa aking mga mata ko na lamang muna mababasa. Diwata ka sa aking paningin. Pananambitam, dalangin at hiling na sa munti kong paraiso, sana'y doon mo piliing manahan, gawin mong iyong engkantadia at handang pasakop sa lahat ng iyong kagustuhan at nasa. ...Handang paalipin at magsilbi, basta't ikaw ang siyang laging aking kapiling...."
Request permission to use this poem
Written by
jon-jubail-b-aquino
39 / M
For You?
Written by
jon-jubail-b-aquino
39 / M
Published
Feb 28, 2020
Time
3m
Permission

Request to use this poem

Tell jon-jubail-b-aquino how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write