Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Oo nga pala, hindi nga pala tayo.

Nagmahal ako ng higit pa sa inaakala nyo. Lahat ginawa ko para sa taong nagpapatibok sa puso ko. Ibinigay ko lahat ng maibibigay ko bilang ako. Buo ang puso ko na ipinagkatiwala sayo. Masaya naman tayong nagpapalitan ng matatamis na salita. Ngunit bakit tila may nagbago? Madalas ang panlalamig mo. Madalas na may hindi pagkakaintindihan na pinagmumulan ng away. Nasasaktan ako sa mga pagbabagong nakikita't nararamdaman ko. Pareho naman ang itinitibok ng ating puso. Ngunit Pareho nga ba? O imahinasyon ko lang? Isa lang bang panaginip ang lahat ng ito? Kasi kung Oo Ayoko nang magising. Ayoko nang magising sa katotohanan, Na una palang Alam kong talo na'ko. Oo nga pla. May nakalimutan ako. Oo nga pala hindi nga pala tayo. Hanggang dito nalang ba? Hindi na ba aangat yung pagsasamahan natin? Kasi masakit na. Yung puso ko parang pinaghihiwalay at nahahati sa dalawa. Nasasaktan ako kapag may kasama kang iba. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang masaya sa iba. Kaso wala naman akong magagawa. Wala naman akong karapatan. Wala namang ako at ikaw, Kasi nga hindi naman tayo. Ang tanging magagawa ko lang ay ang umiyak. Iiyak ako hanggang mapawi ang sakit at kirot sa puso ko. Para naman kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Request permission to use this poem
Written by
joeresallarena
23 / F / Manila, Philippines
Published
Feb 4, 2020
Lines·Words
42·205
Permission

Request to use this poem

Tell joeresallarena how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write