Sa simpleng sulyap nagsimula ang lahat sa pagdaan ko'y ako'y hinanap numero ko'y iyong pinagtanong tanong nakuha mo ito at ako ngayo'y puro tanong kung paano at kanino mo ito nakuha ngunit ikaw'y puro kaila sa umpisa pa lang ay may hinala na sa kaibigan natin mo ito nakuha pero heto ka at puro tanggi hanggang sa huli ito rin ay nasabi
sa pangungulit ko'y ikaw'y napaamin na sa akin daw ikaw'y may pagtingin noong una'y di makapaniwala para sa akin lahat ay bigla-bigla
mga mensahe mo ang bumubungad sa umaga di ko namamalayan, ako'y napapangiti mo tuwi-tuwina maya't maya'y nangungulit pagkikita natin ay iyong ipinipilit
sa iyo ako'y nakipagkilala at nakipagkamayan pakiramdam ko ikaw'y tila kinakabahan sa pagkikita natin ikaw'y biglang nahuhulog tuwang tuwa at pintig ng puso'y kumakabog
ikaw'y sinagot at nagkatuluyan ang araw na ito'y di malimutan nakipagkita ka upang sa sagot ko'y makasigurado dahil sa ang akala mo ako ay nagbibiro
pagdampi ng iyong mga labi sa aking kamay ang sa pagmamahalan nati'y naging patunay walang araw ang di mo ako napapasaya sa aki'y ikaw ang nagbibigay sigla halos araw-araw gusto natin makita ang isa't isa pero hindi maari, pagkat mainit tayo sa mata ng madla
walang kasingsarap mga nakaw **** sulyap hindi man natin maikukubli o kay saya ng mga nakaw na sandali mahirap man ito sa atin pero lahat ay gagawin at kakayanin pag-iibigan nati'y di sasayangin