mga tao sa kasalukuyan mga dayukdok sa kapayapaan pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan hatid na bigat ng ating kapaligiran
oo, patuloy ang progreso nating mga tao taon-taon may mga bagong mapangusad na mga plano unti-unting nasasagot mga sigaw ng pagbabago
...kahit papano kahit gaano ito katagal lahat ng baraha para dito'y handang isugal pagkat lahat ng mga dumadaan na pagsusulit ang bawat paglagpas at wakas nama'y lubos ito na sulit
sa ginagalawang mundo na abala sa munting paglabas, di na maiwasan ang pagalala bawat pilak parehong pang-hulma at resulta para sa mga gyera marami namang mas makahulugan pa upang igasta bilyon-bilyon na mga pera
panloob na kapayapaan sa paghanap nito'y isang paghahanap sa karagatan lumulutang lamang ay katanungan kung ito'y katotohanan o isang kasinungalingan
makakamit ba hangga't may natatapakan o madadama lamang ba pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian
sumisikip, napupuno mga kulungan sumasagitsit ang mga bulong-bulungan kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan humihinga pa aking paniniwala sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala pagkat hindi pa ito ating wakas
patuloy mabubuhay ang pagasa hangga't may nabubuhay na umaasa simulan sa sarili, wag sa iba i-asa pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa
di kahinaan ang pagtakas minsa'y kinakailangan din nating maghilom, kumalas sa mapangwasak na mundo, patunayang ika'y mas malakas hindi upang ipakita'y pagkamanhid kundi magkaroon ng sapat na lakas upang kayanin pang hatakin sarili't ibang tao pataas