nang iwan mo ako isa lang ang tangi kong natandaan 'yon ay ang poste sa daan
hindi ko natandaan ang 'yong mga titig ang 'yong mga salita ang 'yong mga hawak o ang 'yong tinig
isa lang ang tangi kong natandaan 'yon ay ang poste sa daan
kulay dilaw ang ilaw nito sakto sa halik n'ya sa labi mo sakto sa luhang pumapatak sa mga mata ko
kaya hindi ko na natandaan kung paanong titigan mo ako pagtapos mo s'yang hagkan
at hindi ko na rin matandaan kung paanong ang buka ng bibig mo ay "patawad"
kaya't hindi ko na rin matandaan kung paanong ang dalawang magkahiwalay na poste sa daan ay mistulang lugmok sa kalungkutan dahil sila ang saksi sa pagmamahalang magpapaalam
ilang araw man ang lumipas, o buwan, o taon, paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa tuwing dadaan sa poste sa daan dahil yun lang ang tangi kong natatandaan dahil sila ang saksi sa pagmamahalang nagpaalam.