Nang mawala ang pangalawa kong trabaho Parang ‘di ko alam kung saan uli may bago Hanggang sa ang CapSU ay naalala ko Walang atubili’y akin siyang tinungo At sinubukan bago kong palad dito
Sa TED kung saan una akong itinalaga Mga batikang **** dito aking nakasalamuha Sa Amang Hall kung saan araw-araw silang kasama Kayrami kong natutunan mula sa kanila Minsang itinuring ko na parang mga ina
Sa Crim. na huli ko ditong tinuluyan Para ko naring naging ama si Sir Hapitan Kung sa TED puro kababaihan, sa Crim. puro kalalakihan Akala ko noon ay mahirap silang turuan Sa huli ay akin pa silang ipinaglaban
Akin ding naturuan ang taga-ibang departamento Agri., Vet.Med., Computer – ang 5 ay kumpleto Kaya ang naging tingin ko sa mga ito Ay parang sa Encantadia na mga engkantado Taglay ang katangian ng 5 elemento
Dito rin sa Encapsudia, ako’y naging estudyanteng **** Nang mag-Uniting, mga estudyante ko’y naging kaklase ko May mga kaklase din ako sa highschool na naging estudyante ko rito Kaya dito ay parang mahiwaga ang naging tadhana ko CapSU-Dumarao o Encapsudia…ikaw ang Kapuso kong CapSU!
-10/14/2017 *a tribute to CapSU-Dumarao who is now having its 3rd Alumni Homecoming this 35th year of its existence