Enero Diez y Otso, Dos mil Kinse Kayrami paring mga sumalubong sa kalye Unang tinungo Unibersidad ng Santo Tomas Tuloy parin ang pangaral at pagbasbas Nakipagkita mga pinuno ng ibang relihiyon Humingi ng pag-unawa at kapayapaan sa mga nasyon Nakinig sa hinaing ng mga kabataan Inalo isang batang babaeng luhaan Huling tinungo ang Grandstand sa Quirino Kung saan may pinakamaraming dumalo Tinig ng koro nakapangingilabot Mensahe ng Dios abot na abot Oh anong saya nang tawagin ng Santo Papa Na dakila ang aming munting bansa Ngayong kapistahan ni Santo Niño Kanyang ipinaalaala halaga ng mga bata sa mundo.
-01/19/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection