Enero Diez y Siete, Dos mil Kinse Kahit may bagyo, tumuloy sa Leyte Unang tinungo lungsod ng Tacloban Muling nilipad skull cap pagbukas ng pintuan Talagang maulan at mahangin Subalit milyong tao sumalubong parin Kanyang idinaos Banal na Misa Kasama ang mga biktima ni Yolanda Huling tinungo ang pook ng Palo Nananghalian sa tuluyan ng Arsobispo Doon din nakasalo mga nasalanta ng Yolanda Mas malapitang nakisalamuha sa kanya Mga pinaslang ni Yolly puntod binasbasan Iba pang kaawa-awa hinandugan ng tirahan Suot ang dilaw na kapote Biniyayaang material at ispiritwal ang Leyte.
-01/18/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection