Oh anong hapis ang sinapit ng aming bayan Mula sa bagyong dito ay dumaan Kapani-panibago ang tanawin saanman – Ang bundok sa silangan at sa kanluran Maging ang natatangi naming simbahan At iba pang malalayong kabahayan Ngayon ay tanaw na mula sa aming tahanan
Sapagkat mga puno ay kinalbo niya Marami rin dito kanyang pinatumba Mga poste ng kuryente ay kasama Mga palayan ay naging dagat na Ilog ay halos umapaw sa kalsada Kahit malalaking bahay ay giniba Ng sumpa nitong bagyong nagngangalang Yolanda!
-11/09/2013 (Dumarao) *due to super typhoon Yolanda that hit our town